Monday, November 27, 2006

Ano ba?

Kasalanan ko bang matraffic sa EDSA at matagal yung hinihintay namin? Kasalanan ko bang aalis yung pamilya ko kaya di ako makakasama? Kasalanan ko bang may iba kaming lakad na nakaplano bago pa namin nalaman yung tungkol sa lakad niyo?

HINDI. Nakakainis sa lahat yung nagagalit na naririnig na nga yung paliwanag, lumulusot naman sa kabilang tenga. Pabiro man yun, nakakainis pa rin.

Pati di ko obligasyon na sumama sa mga lakad niyo. Wrong timing lahat ng plano, wala akong magagawa dun kahit gusto kong sumama. Sorry nalang.

At kahit anong mangyari, kahit leche minsan ang pamilya ko, uunahin ko parin sila sa inyo.

1 comment:

Anonymous said...

chill..

haha. *mwah* miss na kita..